Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Aking Mga Karanasan sa Filipino 101

Sa nakalipas na limang buwan, maraming bagay ang aking naranasan. At isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang ilan sa mga natatangi kong karanasan sa Filipino 110.

            Naaalala ko pa nong ipinasulat sa amin ni sir ang positibo at negatibo na pag-uugali ng aming magkaka-klase. At lahat ng iba’t ibang mga laro na may mga ka-grupo ako. Lahat ng iyon ay nagbigay sa akin ng kakayahan na makisama sa iba. Gayundin ang maki-isa sa pagbuo ng ideya.

            Ang bawat klase ay puno ng kaalamanan at laging magaan ang bawat tagpo. Sa mga panahong magulo kami at naasar na si Sir Jayson, lagi lang siyang popormal bigla. Ni minsan ay hindi siya namahiya ng estudyante.

            Masaya, mahirap at hindi nakaiinip. Ganyan ang aking naranasan sa Filipino 110 at sana mayron pang take two. Para mabalikan ko ang lahat. Sana, may isa pang Sir Jayson at Filipino 110 sa mga susunod ng yugto ng aking pag-aaral sa CLSU.